Tuesday, August 5, 2014

Nakita na si Piolo nang hubo’t hubad na naliligo!

MARAMI ang naiinggit sa Personal Assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien dahil minsan ay nakita na niya ang actor na hubo’t hubad nu’ng naliligo ito sa sauna.


“Wala akong malisya,” sambit ni Moi sa ‘Gandang Gabi Vice’.


Humingi raw ng tuwalya si Papa P. Pasimple raw siyang pumasok sa sauna kahit pinapasabit na ng actor sa labas. Pero kunwari kailangang isabit ni Moi sa loob.


Puwet lang daw ni Piolo ang nakita niya


Tinanong din ni Vice kung maganda ang butt ni Piolo.


Umuo agad si Moi. Matigas raw ito ‘pag pinipindot.


Idiniin din ni Moi na hanggang doon lang daw siya at nililimitahan din daw niya ang sarili niya.


Bukod sa pagiging Girl Friday ni Papa P si Moi, napanonood din ito sa ‘Moon Of Desire’ na nasa huling dalawang Linggo na sa Kapamilya Gold.


-0o0-


Nabitin kami sa first indie movie ni Ai Ai Delas Alas na “Ronda” nang mapanood namin ito sa CCP para sa New Breed Category ng Cinemalaya X Film Festival. Highlight niya ang ending ng pelikula pero pinutol ito at naririnig na lang ang hagulhol niya sa pag-iyak habang lumalabas ang closing credits.


Pero challenging ang love scene nila ni Cesar Montano na naka-bra siya at nagpasilip ng konting boobs.


Seryosong aktres si Ai Ai sa Ronda. Kakaiba ito sa mga nagawa niya na nagpapatawa siya.


Ayon kay Ai Ai, malaki ang pagkakaiba ng acting sa indie compared sa acting ng mainstream movie.


Sa mainstream, spoiled ka; maraming Production Assistant. Sa indie, okey na kung anong ilaw ang nandiyan. Basta, sige ka lang nang sige, natural ka Sa mainstream, umaanggulo ka sa kamera.


“Ang instructions ni Direk Nick (Olanca) sa akin, ‘wag akong aangulo at aarte na artista. Less is more. Dapat all-natural,” bulalas ni Ai Ai.


Co-producer si Ai Ai sa pelikulang ito pagkatapos ng ‘Kung Fu Divas’ pero after niyang mapanood ang ‘Rond’ ay worth it daw ito.


“Oo,lahat ng pagod, lahat ng mga pinaghirapan namin, lahat nang gastos namin, nakakatutuwa naman. Masaya ako bilang producer kasi marami rin ang nanonood sa Trinoma, sa Greenbelt. Nakita naman natin marami rin ang nanonood dito sa CCP kaya thank you sa lahat ng sumuporta sa amin. Mas okay ito kasi mas mura, unlike sa mainstream, P5-million ang pinakamababang percent,” deklara pa niya.


Nagi-expect ba si Ai Ai na mag-win sa ‘Ronda?’


“Nominasyon lang, masaya na ako. Pag nanalo ng award, bonus na ‘yun. Pag gusto ni God na manalo ako, game na. At least kahit ano ang mangyari, na-experience ko makagawa ng indie film,” sey pa niya.


Kasama sa pelikula sina Carlos Morales, Julian Trono, Carlo Aquino, Cogie Domingo, Perla Bautista, Angeli Bayani, Menggie Cobarrubias, Bernardo Bernardo, Lao Rodriguez, DM Sevilla, Kiko Matos, Moi Bien.


‘Yun na! XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Nakita na si Piolo nang hubo’t hubad na naliligo!


No comments:

Post a Comment