Tuesday, August 5, 2014

Boyfriend ni Melissa Ricks modelo o negosyante?

KUNG ang ex-boyfriend ni Melissa Ricks na si Paul Jake Castillo ay young millionaire sa Cebu, itong lalaking nakabuntis kay Melissa na si Charles Togesaki ay ano naman ba ang tayo nito sa buhay?


May nagsulat kasing negosyante rin daw ito tulad ni Paul Jake pero may nabasa rin kaming item na model raw ang guy at naging ex pa siya ni Sunshine Dizon. Napanood namin ang exclusive interview ni Kuya Boy Abunda kay Melissa about her pregnancy na ipinalabas last Sunday sa The Buzz 15. Ipinakita sa footages ang nobyo ni Melissa at guwapo ito at matangkad pero parang ang dating nito ay hindi siya well-off.


Ang nakakalokah! ay baka si Melissa pa ang bumuhay sa kanya kung tama ang feeling namin na wala siyang datung! Super inlove sa lalaking ito ang actress kaya mukhang gagawin nito ang lahat para sa kanyang bagong Papa. Sana mali kami at nang maging maganda naman ang maging buhay ng Kapamilya actress sa piling ng karelasyon niyang ito. I’m concern lang gyud!


ONCE A PRINCESS KATUPARAN NG ISANG PANGARAP NI DIREK LAURICE GUILLEN


Kilala si direk Laurice Guillen sa pagawa ng mga quality movie. Dekada 80 nang sumikat si Laurice hindi lang bilang artista sa mga pelikula ng Agrix at Viva Films kundi sa pagiging isang director kung saan hinangaan sa Toronto Film Festival ang obra nitong Salome na pinagbidahan noon ni Gina Alajar at ng late husband ni Guillen na si Johnny Delgado.


Maging ang ating Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos, Zsa Zsa Padilla, Christoper de Leon, etc. ay na-handle na rin nito sa mga pinag-usapan at kumitang movie projects.


Yes, sino ba naman ang makalilimot sa Magkano Ang Iyong Dangal nina Boyet at Zsa Zsa na isa sa blockbuster movies noon ng Seiko Films ni Robbie Tan? Pero sa kabila ng kanyang mga tagumpay ay may isa pa palang pangarap si direk Laurice at ito ang makagawa ng pelikula na mga young ones naman ang kanyan artista. At very thankful ang director sa Skylight Films at Regal Films dahil sa kanya ipinagkatiwala ang latest movie offering ng magkasosyong movie outfit na “Once A Princess” na pinagbibidahan nina Enchong Dee, JC de Vera at Erich Gonzales.


At sobrang ang gaan daw katrabaho ng tatlong Kapamilya stars kaya naman very smooth ang bawat shoot nila sa film nilang ito na palabas na simula today, August 6 sa 100 Cinemas nationwide. At say pa ni direk Laurice, sa galing nina Erich, Enchong at JC sa drama ay pare-parehong nabigyan nila ng justice ang bawat character na kanilang ginagampanan kaya naman satisfied siya sa trabaho ng mga bida.


By the way, ang Once A Princess ay hango sa Precious Heart Romances na isang national bestseller na sinulat ng fictionist na si Angel Bautista. Todo-todong dramatic scenes ang ipinapakita sa movie at kaaawaan mo ang character dito ni Erin na ginagampanan ni Erich na alang-alang sa kapakanan ng kanyang pamilya ay napilitang pumatol at makisama kay Damian (JC) na hindi niya mahal. May mga eksena ritong senswal, pero hindi ito lumabas na bastos dahil sa suwabeng pagkagawa ng director ng pelikula.


At for the very first time ay sa pelikulang ito pumayag si Erich na magsuot ng two piece sa beach scene nila ni Enchong na very “yummy” rin sa eksena. Ilang pelikula na ng dalawa sa Skylight ang mga tumabo sa takilya at inaasahang mas lalampasan pa ng Once A Princess ang mga ito dahil sa kakaibang plot ng istorya at pagmature na rin ng role ng mga pangunahing bida na carry-carry nila. At bigyan natin ng kredito ang mga teleseryeng ipinagtiwala ng Kapamilya network kina Enchong, JC at Erich dahil dito nahasa ang husay ng tatlo sa pag-arte. WALANG KIYEME/Peter S. Ledesma


.. Continue: Remate.ph (source)



Boyfriend ni Melissa Ricks modelo o negosyante?


No comments:

Post a Comment