Tuesday, August 5, 2014

LP, UNA alliance itinanggi ni Drilon

WALANG nilulutong alyansa ang Liberal Party (LP) sa partido ni VP Jejomar Binay para sa 2016 presidential election.


Ito ang tiniyak nitong Martes ni Senate Pres. Franklin Drilon, miyembro ng Executive Committee ng partido.


“There is no such thing. I am a member of the Executive Committee of the Liberal Party, and there has been no discussion on that,” tahasang tanggi ng senador kaugnay sa isyu.


Giit nito, mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang mag-aanunsyo sa tamang panahon kung sino ang mamanukin ng LP sa darating na halalan.


“At the end of the day the party will be influenced in its decision by the decision of President Noynoy. The President being the chairman of our Party, would have a great say as to who the standard bearer would be, as to where the Party is going, and at this point there is no such talk,” aniya.


Sa kasalukuyan, wala pang matibay na ‘pambato’ ang administrasyon sa darating na halalan kaya’t lumilitaw na posibleng susuportahan na ni PNoy si Binay.


Marami na ang nakapapansin na hayagan nang inilalahad ng VP ang intensyon nito na kumandidato bilang pangulo ng bansa. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



LP, UNA alliance itinanggi ni Drilon


No comments:

Post a Comment