Tuesday, August 5, 2014

Endorsement ni PNoy kay Binay para sa 2016 ‘di na kailangan

“HE doesn’t need everybody’s endorsement.”


Ito ang tahasang pahayag ni Sen. Serge Osmeña, base sa survey na nagpapakita ng popularidad ni Vice-President Jejomar Binay para sa 2016 presidential elections.


“But of course, politics being addition, you always want any added support. But the way he is doing, if the elections were held today, he’ll win in a landslide,” diin ng beteranong solon nitong Martes.


“What happens in 2016, that’s still 2 years away, I cannot predict,” saad pa ni Osmeña.


“The way the surveys are today, these endorsements of Binay will not help Binay win. If the elections were held today, he will win. So, that’s merely a plus,” diin pa nito sa tanong ng media kung kailangan pa ba ang endorsement ni PNoy.


Noon pa man aniya ay mataas na ang ‘ranking’ ni Binay sa survey at kaya mataas pa rin ito hanggang ngayon ay hindi dahil na siya pa lamang ang nagpahayag ng pagkandidato.


“No, no, I do not think his ranking is high because he is the only one who has declared. His ranking was already high before that. He already won the vice presidency. He was already taking 80% approval ratings,” dagdag pa ng senador.


Aminado rin si Osmeña na sa ngayon ay wala pa siyang nakikitang pwedeng kumalaban kay Binay dahil hindi pa nagre-reflect sa survey.


“I mean malayo pa ang iba,” aniya. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



Endorsement ni PNoy kay Binay para sa 2016 ‘di na kailangan


No comments:

Post a Comment