Sunday, August 3, 2014

Karambola ng 8 sasakyan sa Taguig, 1 utas

PATAY ang isa katao at lima ang sugatan makaraang araruhin ng 14-wheeler truck ang walong sasakyan sa C5 Southbound patungong Market! Market!, Taguig, kaninang umaga.


Sa imbestigasyon, ipinarada ng driver ng truck sa pataas na bahagi ng C5 ang trak matapos masiraan para ipahatak sana .


Pero aksidente itong bumulusok at inararo ang walong sasakyan kabilang ang dalawa pang trak, tatlong taxi at tatlong pribadong kotse.


May plakang UNE-539 ang trak na may kargang buhangin at pag-aari ng Treasure Rock Movers.


Patay si alyas “Eboy”, driver ng trak na may plakang TKL-521 ay naipit matapos maatrasan ng 16-wheeler truck.


Salaysay ng pahinante ng naatrasang trak, lumiyab pa ang unahang bahagi ng sasakyan na may kargang mga salamin.


Hinihinalang hindi nailagay sa handbrake ang trak na ayon sa mga saksi ay mabilis na bumulusok.


Huminto lamang sa pag-atras ang 14-wheeler truck nang tumagilid at bumangga sa isang malaking pader.


Hindi na mahagilap ang driver at pahinante ng nakaaksidenteng trak habang matindi na ang trapik sa bahaging ito ng C5 bunsod ng tumapong buhangin at nabasag na salamin. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Karambola ng 8 sasakyan sa Taguig, 1 utas


No comments:

Post a Comment