Tuesday, August 5, 2014

GANADO SA SERBISYO: KAP. GERRY STO. DOMINGO

SABI ng iba, bihira ang makakita ng isang kapitan ng barangay na gagawin ang tingin niyang nararapat kapag kontrobersyal ang isyu.


Kadalasa’y ‘pag kontrobersyal ay iniiwasan na ito ng kapitan, didribolin ka na lang o ipapasa sa munisipyo.


Given na ‘yan sabi nila. Kaya ganu’n ang inaasahan namin nang magkaproblema kami sa aming subdivision perimeter fence na binutasan ng katabi naming komunidad – sapat lamang para makadaan ang tao.


‘Di naglaon, lumapad ang butas … pati motor ay nakakadaan na. Mantakin mo, bigla na lamang ‘pag gising namin minsan, may dalawang butas na rin na ginawang bintana ng in-extend na bahay mula sa kabilang bakod.


Noong 2009 ay pinasyalan ko na ang nasabing lugar at sinabihan ang mga nakatira sa kabilang bakod na isasara na namin at lalagyan ng hollow blocks ang nasabing perimeter fence ng aming subdibisyon dahil sa maraming reklamo ang mga residente namin na nakatira malapit dito.


Karamihan kasi sa kanila ay mga biyudang senior citizens na at panay babae ang kasama sa bahay, kaya takot sila at nag-aalala sa anomang mangyari sa kanila.


Bagama’t ang mga residente sa kabilang bakod ay maaayos at tahimik, hindi maiiwasan na ang butas sa pader ay madalas daanan ng mga pasaway, mga drug courier, mga maiingay na motor, mga akyat-bahay, atbp.


At tila bang nangungutya pa ay mas linakihan pa nila ang butas sa pader, pati tricycle kasya na!


Nalaman kasi nila ang plano naming pagsara ng pader ngayong taon.


Talagang problema na ang lugar na ito.


Dito rin daw ang takbuhan ng mga drug pusher. Ito ay nabunyag sa amin ng aming kapitan na nagsabing natuklasan nila na may mga tunnel pala ang mga safehouse ng mga pusher papunta sa direksyon ng aming subdibisyon.


Sa katunayan, lumalabas daw na karamihan sa nirerespondehan ng barangay namin ay rito raw sa lugar na ito.


So, kahit na hindi kami natulungan ng ibang sangay ng pamahalaan ay ang aming kapitan na ang kumilos at gumawa ng paraan.


‘Di pa inaabot ng isang buwan ay napasara na ng aming aksyon-agad kapitan ang butas na ito. At sa tulong ni Kap. Ziffred Ancheta, nagawa niya ito na win-win para sa magkabilang partido.


Iba talagang trumabaho itong si Kapitan Gerry Sto. Domingo ng Concepcion Uno! Saludo kami sa inyo!


Talagang “Ganado sa Serbisyo!” ABISO/Paul Edward P. Sison


.. Continue: Remate.ph (source)



GANADO SA SERBISYO: KAP. GERRY STO. DOMINGO


No comments:

Post a Comment