IKINASA na ng pamahalaan ang forced evacuation sa mga residenteng nanganganib dahil sa nagpapatuloy na bush fire sa Rapu-Rapu, Albay.
Pinalikas na ang mga nakatira sa Barangay Pitogo sa Rapu-Rapu patungo sa Main Poblacion.
Nakatakda namang sumunod sa forced evacuation at lumipat sa Batan Island ngayong araw ang mga nasa Morocborocan, Mananao, Buenavista at Guadalupe.
Iniutos na rin ni Albay Gov. Joey Salceda ang paglalagay ng fire line defense at pagsasagawa ng cloudseeding operations upang maapula ang apoy.
Mahigit 6,000 ektarya na ang lawak ng apoy at malapit nang umabot sa matataong lugar.
May direktiba na rin mismo si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na kontrolin ang bush fire na sinasabing nagmula sa pagkakaingin. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment