Monday, August 4, 2014

Bagyong Jose, lalabas ng bansa sa Huwebes

NAPANATILI pa rin ng bagyong Jose ang lakas ng hangin na aabot sa 165kph at pagbugso ng hangin na 200 kph.


Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 745 kilometers sa silangan ng Aparri, Cagayan.


Kumikilos ang bagyo sa hilaga hilagangkanluran sa bilis na 13 kph.


Samantala, ang Ilocos Region at Gitnang Luzon ay makararanas ng mga pag-ulan dulot ng habagat na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.


Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng paminsan-minsang mga pag-ulan.


Ang Kabisayaan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.


Ang Mindanao ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Jose, lalabas ng bansa sa Huwebes


No comments:

Post a Comment