Tuesday, August 5, 2014

Enzo walang pakialam sa problema ni Aljur

KAHIT ayaw nang pag-usapan pa ni Enzo Pineda ang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes at ang sinasabing diumano’y 3rd party involved na actor na si Aljur Abrenica sa break-up ng dalawa ay walang choice ang una kundi sagutin ang tanong ng press sa kanya.


No comment na lang nasabi ni Enzo sa ginawang hakbang ni Aljur na mapawalang bisa ang kontrata nito sa GMA 7 dahil daw sa mismanage raw ng network sa career ng actor.


Sa isyu naman na pagbabalik ng kontrata ng Bench bilang endorser ni Aljur dahil daw sa mga outrageous na demand ng actor, ano ang kanyang masasabi?


Endorser din kasi si Enzo ng Bench at pinagdiinan na wala naman daw siyang naging problema sa mga tao rito. “Wala po akong naging problema with Bench. Naging mabait sila at malaking tulong sila sa akin. Hindi ko naman kailangan humingi ng kung anu-ano dahil endorser lang nila ako. They can drop me anytime kung gugustuhin nila.


“Kaya I make sure na maganda ang relationship ko with them. Kung ano ang gusto nila, gawin natin para walang problema, ‘di ba?” say ni Enzo.


Sa naging pahayag ni Enzo ay para na rin niyang sinabi na totoo nga ang lumabas na tinanggihan ni Aljur ang underwear pictorial nito bilang endorser nga ng Bench underwear.


At dahil nga raw sa hindi pagpayag ng actor sa underwear pictorial ay kinansela ng Bench ang project at pati ang kontrata nito sa nasabing company.


Pero how true na bago raw muna gawin ni Aljur ang underwear pictorial ay hinihingi nito na ipinakita raw muna sa kanya ang mga underwear na isusuot? Na hindi raw diumano ginawa kung sinoman ang kasama ng actor sa gagawing pictorial. Gusto raw muna malaman ni Aljur ang detalye ng gagawin niyang underwear pictorial. Mahirap naman daw ‘yun na on the spot during the pictorial ay hindi niya magustuhan ang isusuot na lalabas na bastos lang ang dating sa stylist ng pictorial.


Pero hanggang sa araw raw mismo ng pictorial ay wala raw sample na underwear na dapat niyang isusuot. Ang siste raw ay pinalabas na may attitude raw diumano ang actor at ayaw gawin ang nasabing underwear pictorial.


Dahil sa nangyari ay plano raw diumano ni Aljur na humingi ng meeting kay Mr. Ben Chan para maiparating ang kanyang side kaya ‘di ginawa ang underwears pictorial at tuloy malaman kung ano raw ang ginawa ng nagma-manage ng kanyang showbiz career sa kumpanya ni Mr. Chan.


Anyway, bukas po pahina namin sa dalawang panig para ibigay ang kanilang side sa nangyaring pagba-back out ng actor sa underwear pictorial. TEKA MUNA/Gerry Ocampo


.. Continue: Remate.ph (source)



Enzo walang pakialam sa problema ni Aljur


No comments:

Post a Comment