KINUMPIRMA ng kompanyang Petron ang ipatutupad na dagdag-bawas sa produktong petrolyo bukas, Lunes ng madaling-araw, Agosto 4.
Sa abiso ng kumpanya, P0.75 ang ibabawas sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Pero, may P0.35 dagdag-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.25 ang ikakaltas ng presyo ng kada litro ng kerosene.
Una nang nag-anunsyo ng dagdag-bawas ang Flying V sa Lunes.
Bababa ng P0.90 ang halaga ng kada litro ng kanilang gasolina pero tataas ng P0.40 ang kada litro ng kanilang diesel. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment