Saturday, August 2, 2014

Bagyong Jose, nasa super typhoon category – JTWC

ITINUTURING na ngayon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ang tropical cyclone ‘Jose’ na may international name na ‘Halong’ bilang super typhoon.


Ang bagyo ay pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kagabi na naging ika-10 sama ng panahon para sa taong 2014.


Huling natukoy ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,210 km sa Silangan ng Casiguran, Aurora.


Batay sa impormasyon ng PAGASA, may lakas ang tropical cyclone na mula 160 kph hanggang 195 kph.


Inaasahang kikilos ito nang pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.


Sa pagtaya ng PAGASA, hindi ito magkakaroon ng landfall o pagtama sa alinmang bahagi ng lupa sa Pilipinas. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Jose, nasa super typhoon category – JTWC


No comments:

Post a Comment