Sunday, August 3, 2014

BATANGAS PUGAD NA NG ILIGAL NA PASUGALAN

SILIPIN natin itong mga tupadahan na iligal na nag-o-operate sa Batangas at pinababayaan lamang ng mga lokal na pinuno ng lalawigan dahil sa mga ‘ganansyang’ ibinibigay ng mga operator nito.


Kabilang sa mga tupadahan na namamayagpag ay itong sa Brgy. Santol sa Balayan, Batangas na minamantine ng isang alyas Kap. Henry at Kap.Ogie naman sa Brgy. Magabe at Brgy. Caloocan.


Matindi ang dalawang bugok na barangay kapitan na ito dahil sa kakutsaba nila ang mga tiwaling pulis ng Balayan kaya nai-ooperate nila nang lantaran ang kanilang tupadahan sa nasabing barangay.


Bukod sa tupada ay may mga color games, sakla (baklay) at pula puti sa nasabing barangay.


Balewala sa dalawang ito si Mayor Manuel Fronda kasi ipinagmamalaki nila nasa likod nila ‘yung trusted man nito.


Sa Brgy. Teresita, Batangas, isang Kap. Ruel ang tina-guriang ngayon sa Batangas na “Barangay VK King.”


Ibang klase ang kapitan ng barangay na ito dahil sa pino-front niya ang CIDG sa kanyang negosyong iligal.


Napakalakas daw nitong si Kap. Ruel sa CIDG kaya mabilis niyang nailatag sa nasabing bayan ang kanyang mga video karera.


Ano ba ‘yan!


BOOKIES SA MANILA LALONG DUMARAMI


Sa Manila naman, isang Mia at Jeff na tinaguriang ‘Bookies King and Queen’ na halos mahigit na 100 na ang puwesto ng bookies ng karera nito ang nakalatag sa buong Maynila.


Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit hindi ito hinuhuli ng kapulisan.


Samantala, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng bookies ng karera ni Zaldy M. (na dating double B).


Hindi magalaw ang bookies nito dahil pulis ang nasa likod nito.


Mahigit sa 150 na ang puwesto nito na nakakalat ngayon sa Maynila.


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/Johnny Magalona


.. Continue: Remate.ph (source)



BATANGAS PUGAD NA NG ILIGAL NA PASUGALAN


No comments:

Post a Comment