Tuesday, May 27, 2014

PPUR nanganganib matanggal sa World Heritage Site

NANGANGANIB matanggal ngayon sa world heritage site ang pamosong underground river sa Puerto Princesa City matapos na may nagparating na isang concerned agency sa UNESCO na talamak na ang iligal activities dito tulad ng pagputol ng mga puno ng kahoy at pagpapatilo ng mga lupa sa lugar na nasasakupan ng parke.


Dahil sa impormasyon, kaagad na pinulong ni UNESCO Philippine Commissioner Eric Zerrudo ang pamunuan ng PPUR upang imbestigahan ang nasabing impormasyon, bagay na kaagad ding sinagot ng opisina.


Ayon kay Elizabeth Maclang, Park superintendent ng Puerto Princesa Underground River, ang nasabing mga reklamo ay walang katotohanan.


Aminado si Maclang na kung hindi kaagad ito maipaliliwanag sa publiko ay malaki ang posibilidad na maapektuhan ang patuloy na pagdagsa ng mga turista sa kilalang Underground River.


The post PPUR nanganganib matanggal sa World Heritage Site appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PPUR nanganganib matanggal sa World Heritage Site


No comments:

Post a Comment