Tuesday, May 27, 2014

PAGKA-ANTALA NG BUDGET PARA SA FDA KAGAGAWAN NG DBM

ang inyong lingkod hilda ong ISINAPUBLIKO ng Department of Health (DoH), ang pagpapatupad ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 9711 noong Marso 30, 2011, na nailabas sa pahayagang Malaya.


Ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA No. 9711 ay inilagay rin sa Food and Drug Administration (FDA) website na nagkabisa na dapat noong Abril 2011, subalit bakit magpahanggang sa mga sandaling ito, ang DoH ay hindi pa rin ipinatutupad ang RA 9711?


Ang RA 9711 ay isang batas na nagpapalakas at nagbibigay katwiran at pagtitimbang ng kapasidad ng Bureau of Food and Drugs (BFAD), sa pamamagitan ng pagtatatag ng sapat na testing laboratories at field offices, upang mapataas ang uri ng kanilang mga kagamitan, upang matugunan ang human resources, makaagapay sa pagbibigay ng kapangyarihan upang maibalik ang mga kinikita na dapat lamang ay mapunta sa FDA, ang pagpapalit ng pangalan ng BFAD upang maging FDA, para matupad ang isinasaad ng Republic Act no. 3720, na nilagdaan ng Pangulo noong Agosto 18, 2009.


Ang pagkatatag at pagkakapatupad sa bagong sistema at pagbabagong bihis ng samahan ay inilagay at nanggaling ang pagpapasya sa Food and Drug Administration (FDA) Business Plan, na isinumite at tinanggap ng Department of Budget and Management (DBM) noong Hunyo 23, 2013.


Kung inaprubahan ng DBM ang Business Plan ng FDA, tiyak na makabibili na sila ng kagamitan, gayundin makakapag-hire na sila ng dagdag na personnel, para mapabilis na lahat ang mga bagay-bagay na dapat tapusin.


Bakit hindi ipinapatupad ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad at Health Secretary Enrique Ona ang Implementing Rules and Regulations of RA 9711 na dapat naipatupad na noong April 2011?


The post PAGKA-ANTALA NG BUDGET PARA SA FDA KAGAGAWAN NG DBM appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAGKA-ANTALA NG BUDGET PARA SA FDA KAGAGAWAN NG DBM


No comments:

Post a Comment