NEXT month ay Gay Pride Month. Ito ang buwan para bigyan ng pagpupugay ang mga miyembro ng (LGBT) Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong sina Boy Abunda, Ladlad founder Prof. Danton Remoto, at ang abogadong honorary member nila (alam n’yo na kung sino s’ya?) upang pag-usapan ang isusulong nilang patas na karapatan para sa mga ikatlong lahi.
Gusto nilang amyendahan ng kongreso ang batas para sa parehong pagtrato sa lahat ng uri ng sekswalidad. Kailangan daw may partisipasyon ang mga ito sa lahat ng klase ng trabaho. Huwag daw alipustahin ang mga ito kahit nakasuot pambabae (bading) ang isang lalaki o nakapanglalaki (tibo) naman ng suot ang babae, at ‘yong mga operada. Isinusulong din yata nila na maging ligal ang pagpapakasal ng mga beki.
Mabuti naman at nakabalik na si Kuya Boy sa Ladlad. Nag-resign na yata ‘yong ibang miyembro na nakipag-agawan noong last election sa nominasyon para mag-represent sa kongreso, ang ending natalo sila.
Anyway, hindi na kami nagtaka kung nagpupuyos man sa galit ang magaling na host sa madaldal na tatay ng basketbolistang nagngangalang Terrence Romeo na nakarelasyon daw ni Vice Ganda para ipagtanggol ang gay community.
“Si Terrence talagang tinuturuan ko ‘yan ng katuturan. So kung totoo man ‘yang istorya na ‘yan, sinuway niya ko. Dahil hindi naman lahat ng oras nakasama ko siya.
“Pero si Terrence, kumpleto ng aral sa akin ‘yan. Pinaiiwas ko siya sa mga bagay na hindi mabuti,” ito ang pahayag ng tatay ng daldakena ring basketeer na ikinairita ng king of talk.
Kaya sa nakaraang episode ng “The Buzz” last Sunday ay talagang sinagot ito ni Kuya Boy.
“‘Nung iyong sinabi na pinalaki mo ang iyong anak para lumayo doon sa hindi mabuti. If that was in reference ‘yung ‘hindi mabuti’-to gays, kayo po ay nagkakamali.
“Hindi po tantamount, hindi po equivalent ang hindi pagiging mabuti sa pagiging bakla. Dahil that’s not fair, that’s totally unfair at nakakasakit po ‘yan sa akin.
“Sana po, ingat-ingat sa ating pananalita, dahil sobrang aping-api na po ang mga bakla, ang mga tomboy, ang mga transgendered people dito sa Pilipinas.
“‘Yun po ang aking pangarap, na pagdating sa Pilipinas ay matuto po tayong gumalang sa isa’t isa,” pahayag ng host ng The buzz na talagang nawala ang kanyang pagtitimpi.
***
LANCE RAYMUNDO LALONG GUMUWAPO PAGKATAPOS NANG AKSIDENTE
PINOST ni Lance Raymundo sa kanyang FB account ang picture niya na fully-restored na pagkatapos nang three reconstructive surgeries after ng kanyang freak accident na nangyari sa isang gym may dalawang buwan na ang nakararaan. Ilang ulit na gumuwapo si Lance sa kanyang bagong mukha at lalong bumata.
“I never thought I would get my face back. Thank you, Lord, for giving me back my face,” sabi ng actor/singer.
Sa ngayon ay abala-abala ang pamilya sa pangunguna ng kanyang inang si Nina Zaldua-Raymundo pagpe-prepare para sa thanksgiving party sa kanyang anak na magaganap sa susunod na linggo.
***
PINASOK na ng Viva Recording artist na si Joel Mendoza ang pagma-manage. Nagtayo siya ng talent agency na Life&Soul Productions and Artists Management. Siya ang tumatayong Senior Vice President (SVP) for Business Development and Artists Management.
Katulong niya ang Star Horizon Management & Productions ni Ms. Eleonor Pisk na commercial naman ang forte.
Actually, hindi naman kailangang gawin ito ni Joel dahil may sarili siyang career pero gusto niyang makatulong sa mga talentadong tao na makagawa ng pangalan sa entertainment world.
At ang isa nga sa alaga ni Joel ay itong si Julius Concepcion, dating child star sa pangalang Julijo Pisk. Kilala siya na “Commercial Prince” of the new generation. Naging 3rd runner-up siya sa Star Circle Kid Quest 2010. Nakilala rin siya sa PLDT Commercial na “Anna Banana” na naka-4 million hits sa Youtube.
Binata na ngayon si Julius na kung saan ay gumanap siya bilang young Gerald Anderson sa “My Girl” at sa MMK episode na “Tourette”. Naging young Matteo Guidicelli siya sa pelikulang “Basted”.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Kuya Boy, tagapagtanggol ng mga bading sa Pinas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment