PINALAYA na ng military junta sa Thailand ang 124 katao na kanilang ikinulong na karamihan ay kinabibilangan ng mga opisyal sa bansa.
Ayon sa tagapagsalita ng Thailand army, umaabot sa 253 ang kanilang pina-summon.
Subalit 53 sa mga ito ay hindi sumipot at sa ngayon ay 76 pa ang nasa kustodiya nila.
Una nang pinalaya ng militar si dating Prime Minister Yingluck Shinawatra na kabilang din sa kanilang pina-summon.
Sinasabing isa sa mga kondisyon kung bakit ang mga ito napalaya ay ang pangako na hindi makikilahok sa anumang political activity.
Napag-alaman na kasama sa pinalaya ang protest leaders ng Yellow at Red Shirt movements.
Napag-alaman na umiiral ngayon ang Martial Law sa Thailand at kinudeta ng militar ang gobyerno.
The post 124 ikinulong, pinalaya na ng military junta sa Thailand appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment