Friday, January 3, 2014

Robert Downey Jr., pursigidong ibangon si Mel Gibson

MEL Gibson and Robert Downey


NAKATAGPO ng kakampi si Mel Gibson upang tumulong sa kanya para muli siyang mahalin ng Hollywood, at kung may isang tao man na nakaaalam kung paano magratagumpay sa pagbabalik, ito ay si Robert Downey Jr.


Sinisikap ng 48-anyos na bituin ng Iron Man na bigyan ang kanyang dating Air America co-star ng pagkakataon na maibangon ang pabagsak nitong karera sa planong pagbibigay sa 57-anyos na aktor ng papel sa gagawing pelikula ng Avengers.



Ayon sa RadarOnline, nakatakdang magbabalik si Robert bilang ang industrialist-turned-superhero na si Tony Stark sa dalawa pang pelikula ng Avengers para sa Marvel Studios sa susunod na apat na taon.


Ang kanyang kontribusyon sa tagumpay ng franchise ang nagbigay kay Robert ng kapangyarihan, na ginagamit niya para tulungan ang kanyang mga sikat na kaibigan, kabilang na ang Oscar-winner na si Jodie Foster at ang nalalaos nang si Mel.


“He wants to bring Mel and Jodie into the Marvel universe, preferably in one of the Avengers films,” sabi ng isang hindi kinilalang source sa website. “It’s been a longtime dream of Robert’s to help Mel and Jodie reach similar big box office heights like the ones he’s achieved in recent years.”


Si Foster ay tinitingala ng Hollywood bilang professional at de-kalibreng aktres, ngunit iilan lamang ang box office hits. Nais ibahagi ni Robert, nakatrabaho ni Jodi sa 1995 directing effort ng huli na Home of the Holidays, ang kanyang tagumpay sa big screen sa batikang aktres sa paglagay sa kanya sa ilang high-profile summer pics.


Ibang istorya naman si Mel Gibson.


Nawalan ng kinang ang dating Hollywood golden boy nitong mga nakaraang taon dahil sa kanyang off-screen activities at pagwawala sa tuwing nalalasing, na madalas ay minumura ang ethnic groups at nagiging mapanghusga.


Nagsimula ang pagsadsad ng career ng aktyor noong 2006 nang mahuli siya sa overspeeding. Nahuli siya ng pulis na mayroong bote ng alak sa sasakyan, nagalit at minura ng aktor ng Braveheart ang arresting officer. Sinabing “F*****g Jews. . . The Jews are responsible for all the wars in the world.”


Humingi ng paumanhin ang aktor sa pamamagitan ng kanyang publicist at sa isang panayam ni Diane Sawyer.


Hindi na kinontra ng actor/director ang kasong misdemeanor drunken-driving at siya ay hinatulan ng tatlong taong probation.


At nang tila nakakalimot at napapatawad na siya ng Hollywood, lumutang naman ang mga ebidensiya na minumura, sinasaktan at inaabuso ni Mel ang dating kasintahan na ina ng kanyang anak, si Oksana Grigorieva.


Sa kanilang masalimuot na custody battle, lumabas ang recordings ng pagbabanta ni Gibson sa ex-girlfriend, na lalong nagpasama sa imahe ng dating box office champ.


Noong 2011, inaresto ang aktor sa kasong inihain ni Grigorieva. Nahatulan siya ng 16 na oras na community service at 52 linggong counseling. Tumanggap siya ng 36 na buwang informal probation sa kaso.


Dahil sa mga eskandalo ay nanamlay ang suporta sa kanya ng publiko nitong mga nakaraang taon. At ang mga pagtatangka na muling buhayin ang kanyang karera sa pelikulang gaya ng The Beaver noong 2011 — na idinirehe ni Foster – ay hindi bumenta sa box office.


Sa kabila ng pagbagsak niya, nais ni Robert na muling makabangon si Mel. Batid ng Iron Man actor na may second chances, dahil siya man ay minsang nahirapan sa substance abuse na naging dahilan ng pagkaka-blacklist niya sa Hollywood.


Well documented ang problema ni Robert sa drugs at alcohol, gayundin ang kanyang mga paghihirap na nauwi sa multiple arrests noong ’90s. Ang kanyang tila walang katapusang problema sa controlled substances at sa batas ang naglayo sa kanya sa mga studio sa kabila ng kanyang talent.


Pumasok si Robert sa rehab sa huling pagkakataon noong 2001, lumabas na matino at handa nang magtrabaho. Ngunit sa puntong ito, wala nang studio na susugal sa Chaplin star dahil sa napakamahal na insurance bond.


Utang na loob ni Robert ang kanyang comeback kay Mel, na tumulong sa kanyang kaibigan sa pagbigay ng papel sa The Singing Dectective noong 2003.


“Mel put up the money for my insurance bond,” sabi ni Robert sa Fox News noong 2003.


Hindi ito ang unang pagtulong ni Robert sa fallen star ng silver screen.


Noong 2011, pinarangalan si Robert ng American Cinematheque Awards. Sa kanyang talumpati, hiniling ni Robert sa audience ng industry insiders at celebrities na patawarin ang kanyang kaibigan at co-star sa mga naging pagkakamali nito.


“Unless you are without sin, and if you are you are in the wrong (expletive) industry, you should forgive him and let him work,” sabi ni Robert sa awards ceremony.


Ayon sa RadarOnline, nagpahayag si Robert ng interes na isama si Mel sa isang papel sa Iron Man 3, ngunit ng mga panahong iyon ay isinantabi ang kanyang idea. Gayunman, ang reformed substance abuser ay naghahanap pa rin mga paraan para maisama si Mel sa Marvel franchise.


“Robert is very big into working with his friends,” sabi ng hindi tinukoy na source sa RadarOnline. “Ashley Hamilton and Iron Man 3 director Shane Black both credit him with making the final push to get them hired.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Robert Downey Jr., pursigidong ibangon si Mel Gibson


No comments:

Post a Comment