Friday, January 3, 2014

Belmonte sa SSS, PhilHealth: Magpaliwanag kayo

Ni Ben R. Rosario


Inatasan ni House Speaker Feliciano Belmonte ang Social Security System (SSS) at ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipaliwanag sa Kongreso ang pagpapadagdag ng kontribusyon sa mga miyembro nito.


Nagkakaisa ang mga mambabatas sa pagpigil sa dalawang nasabing ahensiya ng gobyerno sa pagtataas ng sinisingil na premium, na isinabay pa sa pagmamahal ng gasolina at singil sa kuryente.



Sinabi ni Belmonte na dapat na masusing ipaliwanag ng mga opisyal ng SSS at PhilHealth sa publiko kung bakit kailangang dagdagan ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito.


Kaugnay nito, iginiit ni Senior Deputy Minority Leader Neri Colmenares ng Bayan Muna Party-list na dapat na kolektahin muna ng SSS ang mahigit P90 bilyon ng uncollected premiums mula sa mga delingkuwenteng employer bago magpadagdag ng kontribusyon.


“It has no moral authority to collect more because it still has a lot more to collect. Secondly, if they are saying that they are running low on funds then why did give out huges bonuses for themselves?” ani Colmenares.


Sinabi naman nina Cavite Rep. Elpidio Barzaga at Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na wala sa panahon ang pagpapatupad ng bagong premium schemes ng SSS at PhilHealth.


Ito rin ang reklamo ng grupo ng health workers na Health Alliance of Democracy (HEAD) na kinondena kahapon ang dagdag-kontribusyon ng PhilHealth, at inakusahan ang gobyerno sa pangingikil sa bansang nagsisikap makabangon sa sunud-sunod na trahedya at problema.


“This increase is nothing but a form of excessive taxation that the people will hardly benefit from. The Aquino government should focus on giving reprieve to the suffering people and stop all forms of extortion through these collection schemes,” sabi ni Dr. Geneve Rivera-Reyes, secretary-general ng HEAD.


Una nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang SSS sa napakabagal umano nitong pagpoproseso ng bayarin sa death, disability at retirement claims ng mga miyembro nito, at inatasan na ang pamunuan ng ahensiya na agarang kolektahin ang mahigit P367 milyon premiums at penalties mula sa 139 na delingkuwenteng kumpanya at employer.


May ulat ni Jenny F. Manongdo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Belmonte sa SSS, PhilHealth: Magpaliwanag kayo


No comments:

Post a Comment