Friday, January 3, 2014

1 Jn 3:7-10 ● Slm 98 ● Jn 1:35-42

Naroon sa Betaraba si Juan at dalawa sa kanyang mga alagad. Pagkakita niya kay Jesus na naglalakad, ito ang kanyang sinabi: “Hayan ang Kordero ng Diyos.” At narinig ng dalawang alagad ang kanyang binigkas at sinundan nila si Jesus. Lumingon si Jesus at nakita niya silang sumusunod sa kanya, at sinabi niya sa kanila: “Ano ang hinahanap ninyo?” Sumagot naman sila sa kanya: “Guro, saan ka nakatira?” At sinabi niya sa kanila: “Halikayo at makikita niyo.” … Si Andres na kapatid ni Simon Pedro ay isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod sa kanya. Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas (na kung isasalin ay Pinahiran).” Inihatid niya siya kay Jesus. Pagkakita sa kanya ni Jesus, sinabi niya: “Si Simon ka na anak ni Juan. Kefas ang itatawag sa iyo (na kung isasalin ay Pedro).”


PAGSASADIWA

Halikayo at makikita ninyo. ● Ang pagkatagpo naman ni Simon kay Jesus ay nagbunga ng malaking pagbabago sa kanyang buhay nang pangalanan siya nitong Kefas (Petros). Kinailangang subukan ang pagtawag kay Pedro; kailangang lumago ang pakikipag-ugnayan niya kay Jesus. Sa pagkilos ni Andres, nailapit din niya ang iba kay Jesus. Kailangang hayaan nating makapasok si Jesus sa ating buhay; laging bukas ang paanyaya Niya sa atin.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1 Jn 3:7-10 ● Slm 98 ● Jn 1:35-42


No comments:

Post a Comment