PANSAMANTALANG naka-impound ngayon sa headquarters ng Zamboanga City Public Safety Company (ZCPSC) ang mga nahuling bigas at sigarilyo sa Zamboanga City na dadalhin sa kustodiya ng Bureau of Customs (BoC).
Iniimbestigahan na rin ng awtoridad kung sino ang mga negosyanteng nagmamay-ari ng mga bagong nasamsam na kontrabando.
Nasa halos 100 sako ng mga hinihinalang smuggled na bigas ang nakumpiska ng grupo ng Pulis, Marines at Army (PUMA) sa magkahiwalay na lugar sa Zamboanga City.
Ayon kay P/Supt. Ariel Huesca ng hepe ng Zamboanga City Public Safety Company (ZCPSC), una nilang naharang ang isang Nissan mini-truck na kumakaraga ng mahigit sa 20 sako ng mga smuggled na bigas.
Wala umanong naipakitang dokumento ang driver ng truck na si Takida Jamsid.
Sunod namang naharang ng grupo ang isa pang truck sa Bgy. Tetuan na minamaneho ni Bhoy Borrja Macansantos na kumakarga rin ang nasa 73 sako ng bigas na wala na ring mga dokumento.
Samantala, sa pagpapatuloy ng pinatutupad na istriktong operasyon ng PUMA ay nasamsam din ang nasa 92 case ng smuggled na sigarilyo lulan ng isang Nissan cargo truck sa loob ng Philippine Ports Authority (PPA) ng lungsod. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment