Sunday, April 5, 2015

Island tour sa Hundred Islands, oks na

PINAYAGAN na ngayong umaga ang island tour sa Hundred islands sa lungsod ng Alaminos sa Pangasinan dahil wala ng epekto ang bagyong Chedeng sa lalawigan.


Ayon sa Alaminos city tourism office, pinayuhan sila ng Philippine Coastguard na pansamatalang itigil ang pagtungo sa naturang lugar.


Nauna rito, pinayuhan ng mga mataas na opisyal ng nasabing lungsod kahapon na pinagbabawal ang pagpunta sa mga iba’t ibang isla dahil na rin sa naging babala ng coastguard upang maiwasan na ang anomang sakuna.


Isa ang Hundred Islands ang dinarayo ng mga turista sa lalawigan ngayong Semana Santa dahil sa magandang mga beach at mga magagandang tanawin sa lungsod. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Island tour sa Hundred Islands, oks na


No comments:

Post a Comment