NAKAKASA pa rin ang “no swimming policy” sa lahat ng mga ilog na nasasakupan ng Isabela kaugnay pa rin ng bagyong Chedeng ngayong Linggo ng Pagkabuhay kahit humina ang bagyo.
Simula pa alas-6:00 kagabi ay pinairal ang naturang policy sa ilang ilog at sapa sa Isabela, pangunahin na sa Pinakanawan river at Cagayan river.
Ipinahayag ni Jessie James Geronimo, ang provincial information officer ng Isabela na nakagawian na ng mga mamamayan na magtungo sa ilog at sapa sa Linggo ng pagkabuhay at dahil nakataas pa rin ang signal no. 1 sa lalawigan ay umiiral pa rin ang “no swimming policy.”
Nakiusap si Geronimo sa mga mamamayan na sumunod sa mga kautusan ng pamahalaang panlalawigan upang makaiwas sa anomang sakuna.
Nauna na ring ipinatupad ang “liquor ban” at “no sailing policy” sa lalawigan bilang paghahanda sa bagyong Chedeng. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment