DAPAT nang saklolohan ng ibang bansa na galit sa ginagawang pananakop ng China ang ‘Pinas.
Ito na lamang ang nakikita nating nalalabing pag-asa ng ating bansa na binastos, niyurakan at nilapastangan ng mga Tsino na gusto yatang patunayan na sila ang susunod na hari ng buong mundo.
Sa ating pag-aanalisa, hindi kaya ng maliliit na bansa sa Asya ang ginagawang pananakop ng China kaya’t panahon na para makialam ang mga sinasabing super powers katulad ng Amerika, Canada, Australia, Japan, United Kingdom, Germany at iba pa.
Nakikita nating kung sa paghahain lang ng protesta sa United Nations ang gagawin ng ‘Pinas ay lagi lamang itong mamaliitin ng China kaya drastikong solusyon na ang kailangan dito.
Panawagan sa ibang kaalyadong dambuhalang bansa, ang dapat gawin ni PNoy at dito rin natin makikita at masusubok kung gaano talaga tayo itinuturing na kaalyado ng mga malalaking bansa kagaya ng U.S.
Hindi rin pwedeng puro bait ang ipakita ng Pinas sa usaping pananakop ng China dahil posibleng mauwi na sa pananakop ng buong bansa ang susunod na hakbang ng mga Chinese.
Ilang beses na bang tinaboy ng mga Tsino ang mga mangingisda at sundalong Pinoy sa ating karagatan at ang pinakahuli nga rito ay ang pangyayari noong April 9 sa karagatang sakop ng Zambales, na malinaw na teritoryo natin.
Agarang hakbang na ang kailangan sa problema itong ng Pinas sa West Philippine Sea kaya hindi dapat magpatumpik-tumpik si PNoy sa problemang ito dahil grabe ang ginagawang konstraksyon ng China sa ating karagatan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment