Tuesday, April 21, 2015

KAPANGYARIHAN

HINDI maikakailang super-lakas kay Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga kapatid na babae itong si dating Justice Adolfo Azcuna na legal counsel ng kanilang pumanaw na inang si dating Pangulong Corazon Aquino noong ito ang Pangulo pa.

Kaya nga hindi kataka-takang ito ang italaga ni Pangulong Aquino bilang chairman ng Commission on Elections na ilang panahon na lang ay magiging aligaga na sa kanilang tungkulin sapagkat nalalapit na ang national and local elections.

Hindi pa man tinatanggap ni Azcuna ang posisyong itinalaga sa kanya ni Pangulong Noynoy ay marami na ang natatakot na baka maging labis-labis ang kapangyarihan na maisalin sa kanya na umabot sa posibleng kakaibang resulta ng halalan.

Ang masakit pa nga siyempre ay walang pwedeng humadlang sa pag-upo ng itinalaga ni PNoy sapagkat may kautusan ito wala mang kumpirmasyon mula sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Lumalabas na mas makapangyarihan si Pangulong Aquino kaysa sa Commission on Appointments.

Sabagay, kailan ba naman nagpatalo si PNoy? Kahit pa ipinagmamalaki niyang ang mamamayan ang kanyang boss pero tuloy-tuloy ang ginagawa niyang pambubusabos sa mga taong nagluklok sa kanya sa puwesto.

Hanggang sa sandaling ito, hindi umaangat ang kabuhayan ng mga tao sapagkat hindi tunay na serbisyo ang ibinibigay niya sa mamamayan.

Nananatiling mataas ang presyo ng bilihin na tanging mayayaman lang ang nakaa-afford na bumili.

Mula nang maupong Presidente si Pangulong Noynoy ay hindi pa tumaas ang sweldo ng mga empleyado ng gobyerno tulad na lang ng mga pulis at guro.

Nananatiling kakarampot ang kanilang sahod gayung todo-todo ang paglilingkod na ginagawa sa bayan kahit pa maging kapalit ng kanilang paglilingkod ang kanilang buhay.

Pero may halaga ba iyon kay PNoy? Ang mahalaga sa kanya ay ang manatili sa kapangyarihan dahil batid niyang sasapitin niya ang kapalarang ipinataw niya sa mga naunang Pangulo.

Kaya naman nasa kamay ni Pangulong BSA3 kung ang mga kaalyado niya ang mananalo sa halalan talagang kailangang kailangan.

Kaya nga upang makasiguro na mamamayagpag ang kanyang mga kaalyado at kapartido ay nagsisiguro rin si PNoy sa kanyang mga itinatalaga sa puwesto.

Hindi pupwede ang mga taong malambot ang puso at madaling maloko. PAKUROT/LEA BOTONES

.. Continue: Remate.ph (source)

KAPANGYARIHAN

No comments:

Post a Comment