INAASAHANG tatalakayin nina Pangulong Noynoy Aquino at Vietnamese President Truong Tan Sang ang strategic partnership pact sakaling matuloy ang bilateral meeting sa sidelines ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur at Langkawi, Malaysia sa Abril 26-28.
Patuloy pa umanong pinaplantsa at inaayos ang detalye ng panukalang strategic partnership agreement sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam laban sa pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.
Magugunitang kapwa claimants sa Spratly ang Pilipinas at Vietnam na parehong nakailang beses nakabangga ng China sa karagatan.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, wala pang katiyakan kung kailan ito makokumpleto at kung ano ang magiging sentro ng kasunduan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment