Monday, April 20, 2015

Mary Jane Veloso, gustong makapiling ang pamilya

HINILING ng Pinay OFW sa kanyang mga magulang na isama ang kanyang buong pamilya sa Indonesia para makasama kahit sa huling pagkakataon.

Tutulak ngayong araw ang pamilya Veloso kasama ang National Union of Private Lawyers (NUPL) sa Jakarta, Indonesia para muling iapela sa Indonesian government na mabigyan ng judicial review ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang Pinay OFW na sangkot sa droga sa naturang bansa.

Naniniwala si Atty. Edre Olalia, secretary general ng NUPL, na hindi nabigyan ng due process ang Pinay matapos masangkot sa pagdadala ng 2.5 kilograms ng heroin sa Yogyakarta Airport noong April 2010.

Sinabi niyang kailangang protektahan at huwag parusahan ng bansang Indonesia ang OFW.

Ayon kay Cecilia Veloso, ina ni Mary Jane, noong huling makausap ang anak ay sinabi nito na sakaling pumunta sila sa Indonesia ay hiniling niyang isama ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang dalawang anak.

Tanggap na rin ni Veloso ang kanyang sinapit at hindi na umaasang mapalalaya pa ito.

Nakatakda siyang bitayin sa Abril 24 sa pamamagitan ng firing squad.

Iginiit naman ni Indonesian President Joko Widodo na kailangang irespeto ng ibang bansa ang batas ng Indonesia.

Sang-ayon ito sa judicial review na hiling ng pamilya ni Veloso pero nanindigan itong kailangan nilang ipatupad ang batas para mapuksa ang drug smuggling sa Indonesia. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

Mary Jane Veloso, gustong makapiling ang pamilya

No comments:

Post a Comment