Monday, April 20, 2015

Pagpasok ng tag-ulan, maaantala sa El Niño – PAGASA

INABISUHAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sambayanan na maaantala ang tag-ulan dahil sa El Niño.

Sa pagtaya ng ahensiya, hanggang Mayo pa mararanasan ang mainit na panahon dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon pa sa PAGASA, mas kakaunti ang naitalang pag-ulan ngayong taon kung ikumpara noong nakaraang.

Disyembre pa lang noong nakaraang taon ay pumalo na sa 30 lalawigan ang apektado ng tagtuyot o below normal na pag-ulan.

Dahil sa tagtuyot, asahan umano na dadami pa ang mga lalawigan na apektado ng dry spell.

Nakaaapekto pa rin sa bansa ang easterlies o ang mainit na hangin galing sa Dagat Pasipiko. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)

Pagpasok ng tag-ulan, maaantala sa El Niño – PAGASA

No comments:

Post a Comment