PINAPLANO ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gawing escort ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisda na papalaot sa may bahagi ng Pagasa Island.
Ito’y kasunod ng pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea (WPS) na nagpapatuloy ang reclamation activities nito partikular sa may bahagi ng Mischief Reef na siyang pinakamalapit sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Catapang na mayroon nang isinasagawang inter-agency meeting para matulungan ang mga mangingisda na nagpunta sa West Philippine Sea.
Ang inter-agency meeting ay binubuo ng Department of Agriculture (DA), BFAR, Coast Guard, mga sibilyan at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Pahayag ng heneral, mas mabuti nang ang Coast Guard ang siyang mag-escort sa mga mangingisda dahil kapag mga Philippine Navy vessels ang gagamitin baka isipin ng China na pino-provoke sila ng militar.
Magugunita na nagkaroon muli ng insidente sa Bajo de Masinloc na binomba ng water cannon ang mga mangingisda.
Wala namang impormasyon na may nasugatan sa insidente. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment