DUMANAS ng madilim at mainit sa araw ang ilang bahagi ng Occidental Mindoro dahil sa 7 – 12 oras na brownout na nararanasan sa lalawigan araw-araw.
Bukod sa epekto nito sa mga tahanan, lumulubha na rin umano ang epekto nito sa takbo ng mga negosyo.
Dahil dito, sinimulan ng mga residente ng Sablayan ang protesta sa social media gamit ang #wantedilaw.
Laman ng online petition ang panawagan kay Energy Sec. Jericho Petilla at sa Department of Energy (DOE) – Consumers Welfare Promotions Office na makialam na para matugunan ang umano’y power shortage sa lugar.
Nagkabit na rin ng protest streamers sa mga tricycle ang mga residente.
Sa ulat ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) sa National Power Corporation (NAPOCOR), na-energize na ang 69-kilovolt transmission line ng Minolo-Mamburao-Pagasa noong Abril 2 kung saan kumukuha ng kuryente sa Oriental Mindoro grid ang Sablayan grid.
Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang brownout dahil sa patuloy umanong regular tripping ng transmission line dahil sa line fault. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment