IPINAHAYAG ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) na nasa P30.8 billion pa ang kinakailangang pondo para sa karagdagang empleyado.
Aabot pa sa 87,000 na bakanteng posisyon sa gobyerno ang kailangang pondohan ngayong taon.
Pinaplanong kunin ang pasahod sa miscellaneous personnel benefits fund sa 2015 national budget.
Base sa staffing summary ng 2015 National Expenditure Program, sinabi ng DBM na 86 percent o 1,232,539, mula sa 1,433,186 ang kasalukuyang nakatalaga sa permanenteng posisyon.
Pero sa 188,255 na available slots, nasa 86,994 pa lamang ang napunuan ngayong taon.
Sa mga bakanteng trabaho aabot sa 44,602 ang nasa teaching at non-teaching positions sa Department of Education, kasama rito ang 6,865 positions sa state universities at colleges; 15,898 para sa safety at security-related jobs ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kabilang ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police (PNP); 5,780 na posisyon sa Department of National Defense (DND); 767 sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); 120 sa Commission on Higher Education (CHED); at 102 sa Department of Science and Technology’s Philippine Science High School.
Kabilang din ang 4,179 vacancies sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM); 8,375 healthcare-related jobs sa Department of Health (DOH) at 306 na posisyon sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Dagdag ng DBM, naglaan na rin sila ng P16.7-billion para sa 65,204 positions sa DepEd, DILG at DOH. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment