DATI ay na-link kay Maricel Soriano si Gerald Anderson. Ang tsismis nga, nagkaigihan daw ang dalawa pero mukhang napaasa lang daw sa wala si Maricel, at ‘yon daw ang naging dahilan kaya nasapak ng beteranang aktres ang beteranong chickboy. Kaya ‘yong serye na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” na para kay Marya ay hindi na ibinigay sa kanya dahil ayaw na raw ng aktor na makasama ito, iyon ang sabi.
Hhmmm…parang itong salitang ‘napaasa’ ay nangyari rin kina, Kim Chiu, Sarah Geronimo at Maja Salvador. Hehehe!
Anyway, heto na naman ang imposible ring chika, si Janice de Belen naman daw ang bagong ‘mama’ ni Gerald boy. Si Janice nga raw ang dahilan kung bakit tsinugi ni Anderson si Maja Blanca. Sus ginoo!
Mahilig ba talaga sa mga babaeng mas may edad sa kanya itong papa natin?
Dahil sa sabi-sabing ito, tinitingnan ngayon ang pormahan ni Janice, aba’y pumapayat daw at parating nakaayos na. Konek ba?
Well, sina Papa Gerald lang at si Janice ang makasasagot n’yan.
***
BATI NA DAHIL SA ISANG MILYON?
Heto pa ang chika. Bati na rin daw sina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses dahil sa isang milyon na nakubra ni Ara nang manalo ito sa Deal or No Deal. Shocking naman ‘yan. Anong akala nila kay mayor, mukhang pera?
Sa ayaw at sa gusto ninyo, kailangan nilang magbati para sa kanilang anak. Kawawa naman ang bata kung madadamay sa isyu nilang dalawa, kung ano man ‘yon. Baka nga bukas makalawa ay magsama silang muli dahil pareho naman silang single.
***
HUMILITY ANG KAILANGAN PARA MANATILING SIKAT
Marami ang nayabangan nang magprosisyon si Ai-Ai papuntang GMA network para pumirma ng kontrata. Nakasakay pa raw ito sa karwahe. Feeling reyna raw talaga ang dating.
Bakit naman ganun. Papasok ka sa ibang teritoryo gusto mo reyna ka agad doon? Magbigay-pugay ka naman sa mga beteranong talent ng Kapuso. Hindi lang ikaw ang may talent. Ang marunong magpatawa.
Kailangan sa isang tao ang may kababaan ng loob para respetuhin, igalang at hangaan ng iba. At kalimutan nya na rin ang mga reporter na tumitira sa kanya.
Talagang ganyan ang showbiz, puno ng tsismis at intriga. Hindi mo pwedeng kontrolin ang lahat at sabihing ‘wag n’yo akong isulat ng negatibo’ dahil walang exemption sa mundo ng pinilakang tabing. Kapag hindi kana pinag-usapan, inintriga at pinagtsismisan, laos ka na talaga. Eh, sikat ka nga kaya kinuha ka ng GMA-7. ‘Yun lang!
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE
No comments:
Post a Comment