SABI ng Panginoon sa Mathew 23:3: “But do not do what they do, for they do not practice was they preach.”
Nananawagan si Cardinal Tagle na huwag magnakaw at isa sa 10 Utos ng Panginoon ay huwag kang magnakaw.
Kaugnay nito, ang simbahang Katoliko ay naglunsad ng isang campaign laban sa mga magnanakaw.
Sino ba ang mga magnanakaw? Kayrami sa kanila.
Bakit kay raming lupain, pati na sa Maynila, na pag-aari ng simbahang Katolika, mga lupaing kung tawagin ay friar lands, o mga lupaing ninakaw lang sa mga Indio o mga katutubo.
Forced labor ang ginamit upang maipatayo ang mga basilika at mga simbahan noong panahon ng mga Espanyol na karamihan ay mga Kastila.
Kayrami ring lupain na ninakaw mismo ng gobyerno matapos ang digmaan laban sa mga Kastila. Sila’y mga lupang ibinebenta ngayon ng ating pamahalaan sa pribadong sector, o ang mayayamang negosyante na ang pambili ay perang galing sa mga taxpayer.
Sa panahong ito, kayrami ng pari na nasangkot sa pagnanakaw, sa panggagahasa, pangmomolestiya ng mga babae at lalaki, at iba pang krimen na sangkot ang mga banal.
Sino ba ang magnanakaw? Sila rin ang mga politiko, mga taong matataas ang katungkulan sa gobyerno.
Kayrami ring magnanakaw na mahihirap, na ang kayang nakawan lamang ay mga kapwa mahihirap at never ang mga mayayaman at makapangyarihan.
Kayraming mahihirap. Mga mahihirap na pulis na kinokotongan ang mga mahihirap na driver ng mga pribadong sasakyan at ang mga public utility vehicle.
Kayraming snatcher na binibiktima ang kapwa nila mahihirap. At kayrami ring mga mahihirap na empleyado ng gobyerno na nangungupit sa kaban sa ngalan ng kahirapan.
Ang campaign na ito’y nag-umpisa noong holy week at itong panawagang ito ay continuing, ang sabi ng kardinal.
Ang layunin ay huwag iboto ang mga magnanakaw sa gobyerno. DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment