UMAPELA ang ilang kongresista sa liderato ng Kamara na aksyunan na ang panukalang magtatakda ng regulasyon sa pagbebenta at paggamit ng electronic nicotine delivery system o mas kilala bilang e-cigarette.
Nakapaloob ito sa House Bill 5590 ng iniakda nina Magdalo Reps. Ashley Acedillo at Gary Alejano.
Batay sa panukala, ang e-cigarettes ay karaniwang ipino-promote bilang ligtas na aleternatibo sa tradisyunal na sigarilyo at nakakatulong sa pagtigil sa paninigarilyo.
Ngunit ito anila ay pinasinungalingan ng resulta ng research ng John Hopkins University sa Maryland, University of Tennessee Health Science Center at Louisiana State University.
Batay sa naturang pag-aaral ng mga unibersidad na ang exposure sa e-cigarette ay nagdudulot ng airway inflammation, oxidative stress at nakakaapekto sa anti-bacterial at anti-viral responses ng gumagamit nito.
Giit ni Acedillo, hangga’t wala pang malawak na pag-aaral sa epekto ng e-cigarettes ay dapat na kumilos ang pamahalaan para kontrolin ang bentahan nito. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
If you are just getting started, uwell crown 3 sub ohm tank is definitely the best choice. Besides smok tfv8 baby t6 coil has absolutely amazing flavors, produces lots of vapor, has a great battery, is extremely convenient to use. Shipping is fast and vapesourcing customer service is friendly. Nothing bad to say.
ReplyDelete