NASAMSAM ng mga miyembro ng Bakun municipal police station sa Sitio Moling, Poblacion, Bakun, Benguet ang tinatayang P4,730,000 halaga ng marijuana.
Ayon kay Thrisly Sagpa-ey, chief-of-police ng Bakun MPS, nakatanggap sila ng tawag na may dadaang Delica van sa Poblacion na may lamang marijuana kaya agad namang inabangan ng mga awtoridad ang lugar.
Nadatnan nila ang van pero abandonado na ito.
Natagpuan ng mga awtoridad ang 43 bricks ng marijuana na may tig-isang kilo, 30 sa mga ito ang nakabalot sa blue plastic bag at packing tape habang 12 ang nakabalot sa red plastic bag at packaging tape.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan nga mga suspek at driver ng van. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment