Saturday, April 4, 2015

Mga turista at bakasyunista sa Baler, pinauuwi na

TINANINGAN na ng lokal na opisyal ang mga turista at bakasyunista nang hanggang mamayang ala-una ng hapon para lisanin ang mga resorts sa Baler, Aurora dahil sa nakaambang pagtama ng bagyong Chedeng.


Nabatid na mula pa kahapon ay aabot hanggang 10,000 mga turista, halos nangangahalahati na lang ang natitira hanggang kaninang umaga.


Una rito, inilagay na rin sa signal no. 1 ng PAGASA ang lalawigan ng Aurora.


Pinagbawalan na ring maligo sa mga beaches at mag-surf sa lugar dahil sa inaasahang paglaki pa ng mga alon.


Ito’y sa kabila na hanggang ngayong araw ay maganda pa rin naman ang lagay ng panahon.


Nakiusap na rin ang mga resort owners na maaari naman silang bumalik sa ibang araw o kaya i-refund ang kanilang mga ibinayad.


Mas maigi na umano ang ganitong hakbang kaysa may masisi sa huli.


Kagabi ay nagsagawa pa ng paglilibot ang mga barangay officials upang sundin ang naunang sulat at pakiusap ni Baler Mayor Nelianto Bihasa na magsagawa ng preemptive evacuation dahil sa banta ng sama ng panahon. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga turista at bakasyunista sa Baler, pinauuwi na


No comments:

Post a Comment