UMAABOT sa 22 na overseas Filipino workers (OFWs) ngayong ang stranded sa Saudi Arabia matapos magkaroon ng problema sa pananalapi ang kumpanya ng kanilang employer.
Ayon sa Philippine embassy sa Riyadh, nakatakda nang umuwi sa bansa ang mga OFWs ngayong Black Saturday.
Una rito, sinabi ng embahada na may nabili na silang airline tickets para sa agarang repatriation ng 22 Pinoy mula sa Mohammad Al-Mojil Group (MMG).
Ayon sa post ng Riyadh embassy, ang 22 workers ay ilan lamang sa daan-daang OFWs na apektado ng problemang pinansyal ng kanilang mga kumpanya.
Nakahanda naman ang embahada na pauwiin ang mga Pinoy na nananatili pa rin sa MMG facility sa Jubail, Eastern Province. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment