Sunday, April 5, 2015

Bagong namumuong sama ng panahon, nasilip

NASILIP na naman ang isang panibagong sama ng panahon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) kasabay ng paghina ng bagyong Chedeng.


Batay sa pahayag ni PAGASA weather forecaster Benison Estareja, namataan ang naturang sama ng panahon sa layong mahigit 2,000 kilometro silangan ng Mindanao.


Napakalayo pa aniya nito para makaapekto sa bansa.


Gayunman sinabi ni Estareja, patuloy nilang mino-monitor ang namumuong sama ng panahon kasabay ng pagbabantay sa Bagyong Chedeng. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong namumuong sama ng panahon, nasilip


No comments:

Post a Comment