Monday, April 20, 2015

Big-time oil price hike, muling ipinatupad

GANAP na alas-12:01 ng madaling-araw kasunod ng big-time price hike ng Flying V kahapon ay nagpatupad ang kumpanyang Shell ng price hike sa produktong petrolyo.

Papalo sa P1.45 sa kada litro ang itinaas sa presyo ng gasolina habang P1.00 naman sa kada litro ng diesel.

Sa produktong kerosene, umabot naman sa P1.05 ang itinaas sa kada litro.

Kanina ring alas-6:00 ng umaga susunod na magpapatupad ang Phoenix Petroleum ng parehong price hike sa diesel habang P1.00 naman sa kada litro ng gasolina.

Maalalang noong nakaraang linggo ay ibinababa ng mga oil firms ng P0.65 ang kada litro ng kanilang produktong gasolina at P0.15 naman sa kada litro ng diesel.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DOE), sa ngayon aabot sa P23.40 hanggang P29.95 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P37.50 habang P43.20 naman sa gasolina. MARJORIE DACORO

.. Continue: Remate.ph (source)

Big-time oil price hike, muling ipinatupad

No comments:

Post a Comment