INIHANDA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P271.74-milyong halaga ng food packs at non-food items na nailaan na sa mga lalawigan bago pa tuluyang maramdaman ang epekto ng bagyong Chedeng.
Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, kaninang alas-4:00 ng madaling-araw halos 28,000 food packs na ang naka-prepositioned sa mga LGU ng Ilocos provinces.
Sa Cagayan Valley region naman ay may 31,244 food packs na naihanda.
Naglagay na rin ng 1,500 family food packs para sa mga lugar na inaasahang direktang tatamaan tulad ng Aurora.
Sa Pangasinan naman ay may prepositioned na 15,000 food packs. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment