Wednesday, April 1, 2015

Lunar eclipse, masasaksihan sa Sabado

MASASAKSIHAN ngayong Black Saturday sa kalangitan ang partial lunar eclipse.


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang eclipse ay mag-uumpisa alas-4:51 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi.


Sa Manila, ang buwan ay masisilayan sa Sabado bandang alas-6:02 ng gabi hanggang alas-6:10 umaga ng Linggo.


Ang Lunar eclipse ay nagaganap kapag ang Earth ay nasa pagitan ng araw at buwan.


Ang partial lunar eclipse naman ay masasaksihan kapag ang earth ay kikilos sa pagitan ng araw at buwan pero ang tatlong celestial bodies ay hindi magkakaroon ng straight line sa space.


Kapag nangyari ito ay mababalot ng kadiliman ang maliit na bahagi ng buwan sa pamamagitan ng anino ng earth, tinatawag itong umbra.


Ang nalalabing bahagi naman ng buwan ay matatakpan ng anino ng bahagi ng ating planeta at tinatawag naman itong penumbra. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lunar eclipse, masasaksihan sa Sabado


No comments:

Post a Comment