NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Chedeng pero bumagal at humina ito.
Sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 980 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 180 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugso na 215 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 19 kph.
Bukas ng gabi inaasahang ang bagyo ay nasa 850 km silangan ng Legazpi City, Albay.
Biyernes ng gabi nasa 620 silangan ng Infanta, Quezon si Chedeng.
Sa Sabado naman ng gabi ay nasa 130 km silangan timog-silangan ito ng Casiguran, Aurora. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment