NAKAPAGTALA ang Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw na sa 244,661 ang mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.
Kaugnay nito, nasa 920 naman ang kabuuang bilang ng nainspeksyong barko at pinahintulutang makabiyahe.
Habang 2,671 naman ang natingnang mga motor banca at nakapasa sa panuntunan ng kanilang ahensiya para makabiyahe.
Sinabi ni PCG acting spokesman William Arquero na noon pang nakaraang linggo sila nagpatupad ng paghihigpit bago pa man pumasok ang bagyong Chedeng sa teritoryo ng Pilipinas dahil regular nila itong ginagawa dahil sa “Oplan Ligtas Biyahe” para sa Semana Santa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment