Tuesday, April 21, 2015

KONG. ARNEL CERAFICA WALANG PROYEKTO

SA Pilipinas, natural na sa mga mambabatas ang gumawa ng proyekto sa kani-kanilang nasasakupan, bukod pa sa paghahain ng panukalang batas.

Pero, ibang klaseng mambabatas itong si Kong. Arnel Cerafica, ng Unang Distrito ng Lungsod ng Taguig at Munisipalidad ng Pateros, dahil bukod sa walang nababalitaan ang kanyang mga nasasakupan na nagawa o kaya’y siya ang pangunahing awtor ng panukalang batas simula ng maging kongresista noong 2010 ay wala ring proyekto. Panay wala!?

Bilang kongresista, maaari kang magtukoy ng proyekto o programa na gusto mo para sa iyong nasasakupan. Tutustusan ito ng Department of Budget and Management (DBM) gamit ang iyong ‘pork barrel.’

Ginawa na ito ni Senador Alan Peter Cayetano noong kongresista pa siya kung saan inirerepresenta niya sa Kamara del Representante ang parehong distritong nasasakupan ni Cerafica. Si Cayetano ay nakapagtayo ng ilang silid-paaralan at covered court. Si Cerafica, ano-anong proyekto ang nagawa? May silid-paaralan ba? May covered court ba? Napagawa ba niya ang gusali ng Bgy. San Miguel?

Kumilos ka naman Kong. Arnel Cerafica bago ka maghain ng kandidatura mo sa Oktubre ng kasalukuyang taon!!!

Hindi iyong kung kailan may patay sa Pateros at Taguig ay saka ka kumikilos para magkaroon ng tolda ang namatayan.

ALAM BA TALAGA NI DIREKTOR MENDEZ ANG NANGYAYARI SA NBI?

Napakahalaga sa pamumuno at pamamahala ng organisasyon na alam ng pinuno kung ano-ano ang nangyayari sa kanyang nasasakupan. Sa National Bureau of Investigation ay mayroong korapsyong nagaganap.

Sabi ng kababayan kong taga-NBI, ang online sabong ay mayroong ‘basbas’ ng ilang maiimpluwensyang opisyal ng NBI. Ibig-sabihin, kumikita sila sa iligal na online sabong. Hindi lang sigurado ang kababayan ko, kung nakatimbre kay Direktor Virgilio Mendez ang iligal na online sabong.

Isa pa. Isang N. Gadia ang matikas at namamayagpag sa NBI dahil nangongotong o nangingikil ito sa ngalan umano ni Direktor Virgilio Mendez. Dahil masyadong napakalawak ng kanyang nasasakupan, maraming alagad itong si N. Gadia na pawang mga abogado raw.

Magbibigay ako ng tatlong kolektor ni N. Gadia kung saan gamit pa rin ang pangalan umano ni Direktor Mendez: FRANK, MANNY at MAKS. Marami pa raw bata ang astig na tong-kolektor na si Gadia, Direktor Mendez. Atty. Mendez, alam mo ba ang mga nagaganap sa NBI?

Aksyunan mo, sir, baka maraming nagpapayaman sa NBI gamit ang iyong malinis na pangalan.

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

.. Continue: Remate.ph (source)

KONG. ARNEL CERAFICA WALANG PROYEKTO

No comments:

Post a Comment