NAITSIKA ni Jasmine Curtis-Smith na nagulat daw ang kanyang Ate Anne Curtis sa naglabasang seksi photo niya sa magazine.
“Nagulat si Ate kasi hindi naman niya inaasahan. Nung kasing teenager ako, 14, 15-years old ako ay niyaya na ako ni Ate mag-exercise pero ayoko talaga, tinatamad kasi ako. Lagi ko sinasabi kay Ate, kapag 18-years old na lang ako.
“Nag-18 na ako, hindi pa rin ako maenganyo ni Ate mag-exercise. Ngayon na lang nang mag-21-years old na ako, nagtanong na ako kay Ate kung sino magandang trainer, sino magandang nutritionist. Doon na nagsimula,” tsika ni Jasmine.
Talaga raw kinarir niya ang pagpapaganda ng katawan and when they were doing the shoot ay dumaan daw ang Ate niya sa studio.
“Nang makita niya ako ay super proud na proud siya kasi hindi niya ma-imagine na magagawa ko ‘yung isang bagay na alam mo ‘yun, magiging sobrang disiplinado ako for 2 months to really achieve a goal and to really out my heart as well, kaya tuwang-tuwa na nagawa ko ‘yun,” say pa ni Jasmine.
Hindi totoong nagalit ang Ate niya nang lumabas ang mga seksi photo sa magazine. Mas natuwa pa nga raw ito dahil nakita at lumabas ang pinaghirapan niyang pagpapaganda ng katawan.
“Sa tuwing ipino-post ko siya sa social media account ko, tine-text na niya agad ako na, ‘ang ganda-ganda mo!’ congratulations. I’m so happy for you.”
When asked kung mayroon raw ba nangyaring photoshop sa mga larawan naglabasan. Wala raw ginawang daya sa mga larawan at ‘yun daw talaga ang napagkasunduan nila ng mga magazine bosses.
“We wanted to show how our bodies look like in real life. Ang pangit naman makita nila ang ganda-ganda ng katawan sa magazine, kapag nakaharap mo in person, ‘anyare? ba’t ganoon, wala naman pala siyang abs, ang laki pala ng hita’ alam mo ‘yun, walang justice ‘yung pinaghirapan mo.
“Kung ipo-photoshop din lang pala, ‘di sana, hindi ka na lang nag-work-out, hinayaan mo na lang i-photoshop na lang, ‘di ba? ‘ say pa ng younger sister ni Anne.
***
Ilalabas na next month ang pelikulang Edna na binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board at umani rin ng papuri sa Cinemalaya 2014 sa mga lokal na sinehan.
Ang Edna ay kwento ng isang OFW na nagtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng marangyang buhay ang kanyang pamilya at ang psychological effect nito sa pagbalik niya ng bansa.
“Kakaiba at matapang ang tema ng pelikula. Kung ikaw ay naging OFW din ay magdadalawang isip mapanood ang Edna,” comment ng nakapanood na nito sa Cinemalaya 2014.
Si Irma Adlawan ang gumanap na Edna, ang Cinemalaya 2013 Best Actress at bale ba ito rin ang first directorial job ng beterano at premyadong character actor na si Ronnie Lazaro na gumanap din sa movie bilang husband ni Edna.
Si direk Ronnie din ang nag-conceptualize ng istorya at mula sa script ni Lallie Bucoy. Kasama rin sa Edna sina Allan Paule, Nikko Manalo, Sue Prado, Frances Makil, Mara Marasigan, Micko Laurente, Kiko Matos, atbp.
Nagpasalamat si Ronnie sa tiwalang ibinigay sa kanya ng producer na si Tonet Gedang ng Artist Entertainment sa suporta sa kanyang first directorial job.
“Naniniwala ako na nakagawa kami ng good product at sana maging eye opener sa mga Pilipino ang Edna at umaasa ko na may magandang aral na tungkol sa trabaho, sakripisyo at pamilya,” pagtatapos ni Direk Ronnie Lazaro.
Magkakaroon ng special screening ang Edna sa Metropolitan Museum sa April 28, at Instituto Cervantes de Manila sa May 9 na dadaluhan ng mga piling diplomats, press at government agencies. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment