Sunday, April 5, 2015

Kagawad, 1 pa kulong sa shabu

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Kulungan ang bagsak ng isang barangay kagawad at kasamahan nito matapos mahuli ng pinagsanib ng miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police sa isinagawang drug bust operation

sa Dagupan City.


Kinilala ng Dagupan City police ang mga suspek na sina Rolando Ferrer, konsehal ng Bgy. Tarectec, at kasamahan nitong si Isidro Cainta, Jr., cellphone technician, ng Bgy. Coliling, kapwa ng San Carlos City.


Sa imbestigasyon ng Dagupan City police, naaresto sina Ferrer at Cainta matapos magbenta ng shabu sa isang undercover agent.


Agad pinosasan ang mga suspek matapos ibigay ang ‘di batid na halaga ng shabu sa mga agent sa Bgy. Lucao, Dagupan City.


Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Dagupan City police detention cell na may kasong paglabang sa Anti-Dangerous Act. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kagawad, 1 pa kulong sa shabu


No comments:

Post a Comment