Sunday, April 5, 2015

3 menor-de-edad, patay sa pagkalunod

VIGAN CITY, ILOCOS SUR – Patay ang tatlong menor-de-edad na lalaki matapos itong malunod sa magkakahiwalay na bayan sa Vigan City sa nasabing lalawigan noong Sabado de Gloria.


Ang unang insidente, ang magkapatid na biktima ay nakilalang sina Winky Bello, 14, at ang kapatid nitong si Wendy Bello, 12, ng Sitio Zigzag, Bgy. Malaya, Cervantes.


Sa imbestigasyon ng Vigan City police, dumalaw ang pamilya Bello sa kanilang mga kaanak sa Sitio Namatingan, Bgy. Sto. Rosario, Sigay nang magpaalam ang magkapatid na maliligo sa ilog ngunit hindi na nakabalik pang buhay dahil sa pagkalunod.


Itinakbo ang dalawang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit sila ang naideklarang dead-on-arrival.


Samantala, patay din ang isa pang bata na si Aaron James Muñoz, 4, ng Bgy. Ubbog, Bangar, La Union nang malunod sa Amburayan River, Bgy. Bio, Tagudin.


Batay sa imbestigasyon, nagpi-picnic ang buong pamilya sa ilog nang magpaalam na maghuhugas ng kamay ang bata sa ilog bago magtanghalian pero nalunod na ito.


Namatay ito bago dumating sa pinakamalapit na ospital. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



3 menor-de-edad, patay sa pagkalunod


No comments:

Post a Comment