DISMAYADO ang ilang residente ng lungsod ng Maynila matapos silang pagbawalang maligo sa Manila Bay ngayong umaga.
Nabatid na pinagbawalan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na maligo sa Manila Bay sa kahabaan ng Roxas Blvd. dahil na rin sa banta ng bagyong Chedeng.
Nais lamang umano ng publiko na maibsan ang nadaramang init ng panahon ngayong summer.
Ngunit paliwanag ng PCG, lubhang mapanganib ngayon ang maligo sa Manila Bay kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ito.
Sa kabila nito, naglatag na lamang ang mga ito ng sapin sa gilid ng Manila Bay at nag-picnic. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment