Sunday, April 5, 2015

2 patay, 4 sugatan naitala ngayong Semana Santa – NDRRMC

NAKAPAGTALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng dalawang patay habang apat na sugatan sa ilang insidente ngayong Semana Santa.


Sa tala ng NDRRMC, dalawa ang namatay sa pagkalunod sa Valencia City, Bukidnon.


Kinilala ang dalawang babaeng biktima na sina Novie Jane Sumili, 14, at Glezel Jane Salahay, 18. Marso 29 nang mawala ang mga ito at natagpuang patay nitong Abril 1.


Ang apat na sugatan naman ay pawang nahampas ng malalaking alon sa Diquisit, Aurora. Kabilang dito si Edmond Esperancilla, 37, at tatlong hindi pa nakilala, na pawang nagkaroon ng minor injuries at isinugod sa ospital.


Marso 27 nang itaas ng NDRRMC ang blue alert status kaugnay ng pag-obserba sa Semana Santa.


Sa kasagsagan ng Holy Week, nagbanta rin ang bagyong Chedeng. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 patay, 4 sugatan naitala ngayong Semana Santa – NDRRMC


No comments:

Post a Comment