Wednesday, April 1, 2015

Ilocos Norte nilindol

INUGA ng magnitude 4.5 na lindol ang Ilocos Norte, dakong 12:04 Miyerkules ng tanghali.


Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na naitala ang pagyanig sa layong 22 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Pagudpud.


Tectonic ang origin nito at may lalim na 11 kilometro.


Naramdaman din ang lindol na Intensity IV sa Laoag City; Pasuquin, Pagudpud, at Burgos, Ilocos Norte; Claveria, Cagayan

Intensity III – Sarrat, Marcos, at Paoay, Ilocos Norte.


Intensity II naman sa Badoc, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; Vigan Ilocos Sur.


Umabot ng 15 segundo ang tagal ng pagyanig.


Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks ang Phivolcs. Pero nakikipag-ugnayan na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pamunuan ng mga bayan upang alamin kung may napinsala sa lindol. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilocos Norte nilindol


No comments:

Post a Comment