Wednesday, April 1, 2015

Jinggoy pinayagan na ipatingin ang nanakit na balikat

DAHIL sa matinding pananakit ng balikat, pinayagan ng Sandiganbayan si Senator Jinggoy Estrada na makapagpa-check-up ngayong Miyerkules Santo.


Sinabi ng 5th Division ng anti-graft court na kanilang inaprubahan ang hiling ng senador na makalabas sa PNP Custodial Center para maipatingin ang pananakit ng kanyang kanang balikat sa Cardinal Santos Memorial Hospital.


Sa inilabas na resolusyon, pinagbigyan ang kahilingan ni Jinggoy dahil sa “increasing and unbearable pain” na nararamdaman nito.


Makaaalis sa kanyang detention cell si Estrada sa Camp Crame dakong 3:00 ng hapon hanggang 6 ng gabi para sa clinical examination sa Greenhills, San Juan City.


Kabilang naman sa mga kondisyon na inihain ng korte ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng escorts at security personnel mula PNP katuwang ang mga court sheriff.


Si Estrada rin ang pinagbabayad sa security expenses nito.


Sakaling matapos ang pagsusuri nang mas maaga, hindi kailangang hintayin ng PNP ang alas-6 ng gabi bago ibalik ang senador sa piitan.


Bawal magtungo sa ibang lugar si Estrada at pangangasiwaan ng PNP ang paggamit nito ng gadget.


Hindi rin papayagan ang media interview kay Estrada.


Pinagsusumite rin ang senador ng medical certificate limang araw mula ngayon.


Nahaharap si Estrada sa kasong plunder kaugnay pork barrel scam. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Jinggoy pinayagan na ipatingin ang nanakit na balikat


No comments:

Post a Comment